Noong Hunyo 4, 2024, maraming tauhan mula sa Philippine Coast Guard (PCG) ship 9701 ang ilegal na pumunta sa sandbar ng Xianbin Jiao at nagsagawa ng diving operations.
Sinundan at sinubaybayan ng China Coast Guard (CCG) ang buong prosesong ito, at ang mga opisyal ng pagpapatupad ng batas ng CCG ay nag-imbestiga at hinawakan ang insidente alinsunod sa batas.
May di-mapapabulaanang soberanya ang Tsina sa Nansha Qundao at karatig na katubigang kinabibilangan ng Xianbin Jiao. Ito ay may sapat na batayang historikal at pambatas.
Ang mga nagawa ng panig Pilipino ay lumalapastangan sa soberanya ng Tsina, lumalabag sa “Declaration of the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC),” nakakasira sa kapayapaan at katatagan sa karagatang ito, at matinding tinututulan ito ng panig Tsino.
Hinihimok ng panig Tsino ang panig Pilipino na agarang itigil ang probokatibong aksyon nito
Salin: Lito
Pulido: Ramil