Inilabas kamakailan ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry at iba pang 32 organisasyon ang magkakasanib na pahayag na nanawagan para sa mapayapang pagresolba sa alitan ng Tsina at Pilipinas sa pamamagitan ng konstruktibong diyalogo.
Anang pahayag, kailangang mapahupa ng mga pamahalaan ng dalawang bansa ang maigting na situwasyon sa South China Sea, sa pamamagitan ng diplomatikong diyalogo, upang mapangalagaan ang kapayapaan, katatagan, at pagkakaisa ng Asya.
Kaugnay nito, inihayag Huwebes, Hunyo 27, 2024 ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas na ipinakikita ng naturang pahayag ang unibersal na hangarin ng mga Pilipino.
Anang embahada, ang paghahangad ng kapayapaan, kaunlaran at kooperasyon ay mithiin ng mga Tsino’t Pilipino, agos ng panahon, at komong hangarin ng mga bansa sa rehiyon.
Matatag na ipinagtatanggol ng Tsina ang sariling teritoryo at karapata’t kapakanang pandagat, kasabay ng laging pagpupunyagi upang kontrolin at resolbahin ang mga alitang pandagat, sa pamamagitan ng diyalogo at negosasyon, dagdag ng embahada.
Umaasa ang Embahadang Tsino na susundin ng pamahalaang Pilipino ang agos ng panahon, pakikinggan ang mithiin ng mga mamamayan, babalik sa tamang landas ng paghawak sa mga alitan sa pamamagitan ng diyalogo’t negosasyon, at pangangalagaan, kasama ng Tsina, ang malusog na pag-unlad ng bilateral na relasyon at kapayapaa’t katatagan ng South China Sea.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Bersyong Ingles ng “Kasaysayan at Soberanya ng mga Isla ng South China Sea,” isinapubliko
Malubhang paglapastangan ng Pilipinas sa soberanya ng Tsina, di katanggap-tanggap – MOFA
Tsina sa Pilipinas: agarang itigil ang paglapastangan sa karapatan at probokasyon sa dagat
CMG Komentaryo: Pilipinas, nagiging radikal sa isyu ng South China Sea