Inilabas Hulyo 8, 2024, ang “A Survey Report on the Damage to Coral Reef Ecosystem by Illegally Grounded Military Vessel at Ren’ai Jiao” na magkasamang ginawa ng South China Sea Ecological Center ng Ministry of Natural Resources (MNR) of China at South China Sea Development Research institute ng MNR ng Tsina.
Tinukoy sa ulat na ang ilegal na nakasadsad na bapor pandigma ng Pilipinas ay grabeng sumisira sa pagkakaiba-iba, katatagan at pagpapanatili ng ekolohikal na sistema ng coral reefs ng Ren’ai Jiao.
Ayon sa ulat, naglabas, Hulyo 9, 2024, ang Pilipinas ng pahayag na inaakusahan ang Tsina na nagdulot ng hindi maibabalik na pinsala sa coral reefs sa South China Sea (SCS).
Kaugnay nito, ipinahayag Hulyo 10, 2024, ni Lin Jian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Ren’ai Jiao ay bahagi ng Nansha Qundao ng Tsina. Palagiang pinahahalagahan ng Tsina ang sistema ng coral reefs sa Nansha Qundao at kapaligirang pandagat sa paligid nito.
Aniya, ang naturang ulat na inilabas ng Tsina ay maliwanag na nagpapakita na ang pangunahing dahilan ng pagkasira sa ekolohikal na sistema ng coral reefs ng Ren’ai Jiao ay ang ilegal na nakasadsad na bapor pandigma ng Pilipinas at mga kinauukulang aktibidad nito, at ito ay konklusyon batay sa obdyektibong katotohanan at siyentipikong imbestigasyon.
Hinihiling ng Tsina sa Pilipinas na iurong ang ilegal na nakasadsad na bapor pandigma sa Ren’ai Jiao para maiwasan ang patuloy na pinsala sa ekolohikal na kapaligiran ng Ren’ai Jiao.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil