Tsina, handang itatag kasama ng Vanuatu ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan — Xi Jinping

2024-07-13 11:18:45  CMG
Share with:

Great Hall of the People, Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo hapon Hulyo 12, 2024 kay Charlot Salwai, dumadalaw na Punong Ministro ng Vanuatu, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kahandaan na kasama ng Vanuatu, itatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng kapuwa bansa.


Tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang Vanuatu ay mabuting kaibigan at katuwang ng Tsina sa Pacific Island region. Nitong 42 taong nakalipas, sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko, palagiang kinakatigan ng Tsina at Vanuatu ang isa’t-isa sa mga isyung may kaugnayan sa kani-kanilang nukleong kapakanan, ani Xi.


Sinabi ni Xi na lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang pagpapaunlad ng relasyon sa Vanuatu. Kasama ng Vanuatu, nakahanda aniya ang Tsina na patuloy na palalimin ang pagtitiwalaang pulitikal, de-kalidad na itayo ang “Belt and Road” Initiative, at palalimin ang kooperasyong pangkaibigan ng kapuwa bansa.


Dagdag pa ni Xi, sa pananaw ng pagpapasulong ng pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan, pinakikitunguhin at pinahahalagahan ng panig Tsino ang relasyon sa mga Pacific Island countries, at nakahandang patuloy na ipagkakaloob hangga’t makakaya ang tulong sa mga bansang ito upang suportahan ang mga island countries sa pagsasakatuparan ng hangarin ng nagsasarili at sustenableng pag-unlad.


Sinabi naman ni Salwai na napakalaking katuturan ang tatlong pandaigdigang inisyatiba at ideya ng pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan na iniharap ni Pangulong Xi upang mapangalagaan ang pagkakapantay-pantay at katarungan sa daigdig, at pagpapasulong ng komong kaunlaran.


Buong tatag aniyang iginigiit ng pamahalaan ng Vanuatu ang prinsipyong isang-Tsina, at buong tatag na sinusuportahan ang lahat ng ginagawang pagsisikap ng pamahalaang Tsino upang maisakatuparan ang unipikasyon ng bansa.


Kasama ng Tsina, nakahandang pahigpitin ng Vanuatu ang multilateral na pagtutulungang pandaigdig at pasulungin ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Vanuatu at Tsina, dagdag niya.


Salin: Lito

Pulido: Ramil