Ika-3 sesyong plenaryo ng Ika-20 Komite Sentral ng CPC, binuksan

2024-07-15 12:17:27  CMG
Share with:

Sinimulan ngayong araw, Hulyo 15, 2024 sa Beijing ang Ika-3 sesyong plenaryo ng Ika-20 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), kung saan detalyadong tatalakayin ang mga isyung may kinalaman sa ibayo pang pagpapalalim ng reporma at pagpapasulong ng modernisasyong Tsino.

 

Sa ngalan ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC, inilahad ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulong Tsino, ang work report sa pulong na ito.


Bukod dito, isasagawa rin ang pangkalahatang plano hinggil sa nabanggit na usapin.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio