Pinoy Chef, nagkompetisyon sa Ika-2 Belt and Road International Skills Competition

2024-07-18 12:23:45  CRI
Share with:

Noong katapusan ng Hunyo, binuksan sa lunsod Chongqing, gawing Timog-kanluran ng Tsina ang pangalawang Belt and Road International Skills Competition na nilahukan ng 590 skilled elites mula sa 61 bansa at rehiyon na kasali sa Belt and Road Initiative (BRI).

 

Sumali si Filipino Chef Japheth Loyola Zapanta sa paligsahang Patisserie and Confectionary bilang miyembro ng grupo ng Macao Special Administration Region, at nakakompetisyon niya ang iba pang 11 chef.

 

Ito ang kauna-unahang paglahok ni Japheth sa International Skill Competition, at ayon sa panuntunan, kailangang gumawa siya ng dalawang pares ng Marzipan Figurine, isang cake at isang sugar art design. Pero, dahil abala siya sa paghahanda sa kompetisyon, hindi pa siya nakapamasyal, pero,  naramdaman na niya ang hospitalidad ng Chongqing.

 

Mayroong 18 competition event sa katatapos na "Belt and Road" International Skills Competition.

 

Kabilang dito, mayroong 11 sa kategorya ng World Skills Competition na kinabibilangan ng Digital Production, Freight Forwarders, Electronic Technique, Electrical Installations, Photoelectric Technology,  Hairdressing, Floral Art, Information Network Cabling, Jewelry Crafting, Hairdressing, Beauty Therapy, Patisserie and Confectionery.

 

Maliban diyan, may iba pang 7 exhibition competition tulad ng Automotive Technology (New Energy), Track Signal Control Technology, Industrial Robot System Operator, Coffee Making, Drone Installation and Maintenance, Internet of Things Installation and Debugging and Internet Marketing.

 

Sa ilalim ng temang "Skills Cooperation and Common Development," at alinsunod sa konsepto ng pagiging "bukas, intelihente, berde, ligtas, at dintinktibo,” layon ng Belt and Road" International Skills Competition  na isulong ang pagpapalitan ng kasanayan at pag-unlad ng kooperasyon sa pagitan ng mga bansang kasali sa Belt and Road Initiative.