Tsina, mahigpit na tinututulan ang pagsumite ng Biyetnam ng panukala sa demarkasyon ng continental shelf sa SCS

2024-07-19 14:51:26  CMG
Share with:

Nagsumite kamakailan ang Biyetnam ng panukala nito sa demarkasyon ng continental shelf sa South China Sea (SCS) sa United Nations Commission on the Limits of the Continental Shelf (UNCLCS).

 

Kaugnay nito, ipinahayag kahapon, Hulyo 18, 2024 ni Lin Jian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang aksyon ng Biyetnam ay nakakapinsala sa teritoryo, soberanya at karapatang pandagat ng Tsina, at lumalabag sa mga pandaigdigang batas na gaya ng Karta ng UN at United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), Agreement on Basic Principles Guiding the Settlement of Sea-related Issues ng Tsina at Biyetnam, at Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC).

 

Ani Lin, mahigpit na tinututulan ito ng panig Tsino.

 

Saad niya na batay sa tadhana ng UNCLCS, hindi susuriin ang mga isinumiteng panukala kung umiiral ang hidwaan. Ibig-sabihin, hindi susuriin at kikilalanin ng UNCLCS ang mga panukala ng Biyetnam at Pilipinas hinggil sa demarkasyon nito.

Saad pa niya na ang mga aksyon ng Biyetnam at Pilipinas ay nagpapalala lamang ng mga alitan sa halip ng pagpapasulong ng paglutas ng mga hidwaan.

 

Binigyan diin ni Lin na patuloy na igigiit ng panig Tsino ang maayos na paghawak sa mga hidwaan hinggil sa SCS sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian sa mga may kinalamang panig.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil