Ayon sa impormasyong ipinalabas ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, isinagawa kaninang umaga Hulyo 27, 2024 ng Pilipinas ang resupply mission sa nakasadsad na bapor pandigma nito sa Ren’ai Jiao.
Kaugnay nito, ipinahayag Hulyo 27 ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ayon sa pansamantalang kasunduan na narating ng panig Tsino at Pilipino tungkol sa pangangasiwa at pagkontrol sa situwasyon ng Ren’ai Jiao, sa ilalim ng pagmonitor at pangangasiwa ng China Coast Guard (CCG) sa buong proseso, isinagawa kaninang umaga ng panig Pilipino ang pagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan sa nakasadsad na bapor pandigma nito sa Ren’ai Jiao.
Aniya, ang nasabing resupply mission ay isinagawa batay sa paunang kondisyon ng pagka-alam ng panig Tsino ng kaukulang impormasyon.
Makaraang kumpirmahin ng panig Tsino ang lugar ng pinangyarihan, naihatid ang mga makataong materiyal na pamumuhay, kaya pinahintulutan ito ng panig Tsino, anang tagapagsalitang Tsino.
Diin niya, hindi nagbabago ang posisyon ng panig Tsino sa isyu ng Ren’ai Jiao, at may soberanya ang panig Tsino sa Nansha Qundao na kinabibilangan ng Ren’ai Jiao at karatig na karagatan.
Samantala, kasama ng panig Pilipino, nakahandang maayos na hawakan ng panig Tsino ang isyu ng teritoryo at hidwaan sa karapatan at kapakanang pandagat sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian, dagdag pa niya.
Salin: Lito
Pulido: Ramil