Tuesday, 25  Mar

Li Qiu o Pagsisimula ng Taglagas

2024-08-07 10:18:37  CMG
Share with:


Dumating ngayong araw, Agosto 7, 2024 ang “Li Qiu” o ika-13 sa 24 na solar term ng tradisyunal na kalendaryong Tsino, na nangangahulugang “Pagsisimula ng Taglagas.”

 

Tuwing sasapit ang Li Qiu, nakaugalian na ng mga Tsino ang kumain ng karne at pakwan, bilang pagpapaalam sa tag-init at pagsalubong sa taglagas, at pagpapahayag ng hangarin sa pagkakaroon ng mas malusog na katawan sa taglagas.

 

Bukod pa riyan, nakagawian din na kumain ng mga sariwang prutas na gaya ng mansanas at ubas, na sumisimbolo sa anihan at kasaganaan sa taglagas.

 

 

Salin: Kulas

Pulido: Ramil