307 suspek sa cross-border telecommunication at internet fraud, inihatid pabalik sa Tsina

2024-08-22 16:46:15  CMG
Share with:

Ipinahayag Agosto 21, 2024, ng Ministry of Public Security (MPS) ng Tsina na 307 Tsinong suspek na pinaghihinalaang sangkot sa cross-border telecommunication at internet fraud ang naihatid pabalik sa Tsina matapos silang mahuli sa isang magkasanib na operasyon ng pagtugis sa Myanmar na ginawa ng mga departamento ng pagpapatupad ng batas ng Tsina at Myanmar.

 

Ayon pa rin sa pahayag ng MPS, ang mga ebidensiya ay naibigay na rin sa mga kinauukulan ng Tsina.

 

Samantala, inaresto din ng Tsinong pulis sa loob ng bansa ang siyam pang suspek na sangkot sa parehong kaso.

 

Salin: Tala

 

Pulido: Ramil