Nagkaisa, Agosto 22, 2024 ang Tsina at Belarus na palalakasin ang kooperasyon sa agrikultura at China-Europe Railway Express.
Kaugnay nito, sa isang magkasanib na pahayag matapos ang pulong sa Minsk, Belarus sa pagitan nina Premyer Li Qiang ng Tsina at Punong Ministro Roman Golovchenko ng Belarus, sinabi ng dalawang panig na nakahanda silang lubos na patingkarin ang malaking potensyal ng kooperasyon sa agrikultura at palakasin ang kooperasyon sa pamumuhunan ng sektor na ito.
Sa pahayag, sumang-ayon din ang dalawang panig na palakasin ang kooperasyon sa China-Europe Railway Express, magtatag ng isang mekanismo para sa inter-governmental na kooperasyon sa serbisyo, itaguyod ang konektibidad ng imprastruktura, at magkasamang tiyakin ang kaligtasan ng China-Europe freight train transport corridor.