Sinabi Agosto 24, 2024, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa paanyaya ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, bibisita sa Tsina mula Agosto 27 hanggang Agosto 29, 2024, si Jake Sullivan, National Security Advisor ng Amerika.
Ani Mao, idaraos ng dalawang panig ang bagong round ng estratehikong komunikasyon ng Tsina at Amerika.
Salin:Sarah
Pulido:Lito