Wang Yi, nakipagpulong sa delegasyon ng Social Democratic Party ng Alemanya

2024-08-28 15:23:37  CMG
Share with:

Beijing — Sa pakikipagpulong Agosto 27, 2024 ni Wang Yi, Direktor ng Foreign Affairs Office ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa delegasyon ng Social Democratic Party na pinamumunuan ni Rolf Mutzenich, Tagapangulo ng Social Democratic Party ng Alemanya, sinabi niyang ang taong ito ay ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng all-round strategic partnership sa pagitan ng Tsina at Alemanya.

 

Handa aniyang makipagtulungan ang kanyang bansa sa Alemanya para palakasin ang inter-party exchanges, palakasin ang estratehikong tiwala sa isa't-isa, palalimin ang praktikal na kooperasyon, isulong ang matatag at pangmatagalang pag-unlad ng relasyong Sino-Aleman at Sino-EU, at magtulungan upang bumuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.

 


Sinabi naman ni Mitzenich na handang ituloy ng Social Democratic Party ng Alemanya ang pakikipagtulungan at pakikipagkoordina sa CPC.

 

Salin: Belinda

 

Pulido: Rhio