Sa kanyang pangungulo sa Ika-6 na Pulong ng Sentral na Komisyon sa Komprehensibong Pagpapalalim ng Reporma, Huwebes, Agosto 29, 2024, hiniling ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang puspusang sigasig, upang igarantiya ang pagpapatupad sa tungkulin ng bansa sa reporma.
Ipinagdiinan niyang may matibay na pundasyon at paborableng kondisyon ang ibayo pang komprehensibong pagpapalalim ng reporma, kaya dapat mainam na gamitin ang mga umiiral na bunga ng reporma at mahahalagang karanasan, lubos na pasiglahan ang sigasig sa iba’t-ibang aspekto, at puspusang ipatupad ang mga tungkulin ng reporma.
Sinuri at pinagtibay sa nasabing pulong ang plano sa mga gawain ng mga departamento ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at mga organo ng estado para sa pagpapatupad ng mahalagang kapasiyahan sa reporma na ginawa sa Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-20 Komite Sentral ng CPC, at mga mungkahi sa pagpapatupad ng estratehiya ng pag-a-upgrade ng mga pilot zone ng malayang kalakalan.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Paliwanag ni Xi sa resolusyon ng CPC sa reporma, inilabas sa Qiushi Journal
Paliwanag ni Pangulong Xi Jinping sa resolusyon sa reporma, ilalathala ng Qiushi Journal
Diyalogo ng “Global Opportunities in Deepening China’s Reform in the New Era”, idinaos sa Asya
CMG Komentaryo: Ano ang umaakit sa mga Amerikanong ehekutibo para bumisita sa Tsina?