Sa kanyang pakikipagtagpo kay Jake Sullivan, Pambansang Tagapayong Panseguridad ng Amerika, Agosto 29, 2024 sa Beijing, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na hindi nagbabago ang palagian at masikap na patakaran ng Tsina sa pangangalaga sa katatagan, kalusugan at sustenableng pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano.
Patuloy aniyang pangangasiwaan ng Tsina ang relasyon ng dalawang bansa batay sa prinsipyo ng paggalang sa isa’t-isa, mapayapang pakikipamuhayan at win-win na kooperasyon.
Hindi rin nagbabago ang paninindigang Tsino sa matatag na pangangalaga sa sariling soberanya, seguridad at pag-unlad, dagdag niya.
Umaasa siyang pakikitunguhan ng panig Amerikano ang pag-unlad ng Tsina sa positibo at makatuwirang atityud.
Kasama ng Tsina, nais ni Xi na tumahak ang Amerika sa tamang landas ng pakikipamuhayan ng dalawang bansa.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio