Xi Jinping, ineenkorahe ang mga dalubhasang Aprikano para ipagkaloob ang tulong na talento para sa kooperasyon ng Tsina at Aprika

2024-08-30 18:20:59  CMG
Share with:

Nagpadala Agosto 27, 2024 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga dalubhasa ng 50 bansang Aprikano para enkorahehin silang patuloy na ipagkaloob ang tulong na talento para sa konstruksyon ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Aprika at pangangalaga sa komong kapakanan ng Global South.


Sa kanyang mensahe, idiniin ni Xi na bilang tugon sa masalimuot na kalagayang pandaigdig, kailangan ng Tsina at Aprika ang pagpapahigpit ng pagkakaisa at kooperasyon.


Umaasa ani Xi na mapapahigpit ng mga dalubhasang Aprikano ang pananaliksik at pag-eksplore hinggil sa landas ng pag-unlad ng mga bansa ng Global South, kooperasyon ng Tsina at Aprika, at South-South cooperation.


Nauna rito, nagpadala ang 63 dalubhasa ng 50 bansang Aprikano ng mensahe kay Xi bilang pagbati sa pagdaos ng ika-3 sesyong plenaryo ng ika-20 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at paghangga sa mga natamong bunga ng Porum ng Kooperasyon ng Tsina at Aprika.


Salin: Ernest