He Lifeng, nakipagpulong sa tagapagtatag ng Bridgewater Fund

2024-08-30 16:12:16  CMG
Share with:

Nakipagpulong hapon, Agosto 29, 2024, sa Beijing si He Lifeng, Pangalawang Premyer at Direktor ng Tanggapan ng Central Commission for Financial and Economic Affairs ng Tsina, kay Ray Dalio, tagapagtatag ng Bridgewater Fund.

 

Ipinahayag ni He na patuloy na pinapalalim ng Tsina ang mga reporma at itinataguyod ang modernisasyong Tsino.

 

Sinabi niya na simula ngayong taon, patuloy na nanunumbalik at bumubuti ang ekonomiya ng Tsina, at patuloy ding isinusulong ang de-kalidad na pag-unlad.

 

Umaasa siyang patuloy na magsisilbing tulay si Dalio para hikayatin ang mga kumpanyang Amerikano na samantalahin ang mga oportunidad at palalimin ang kooperasyong may mutuwal na pakinabang sa Tsina.

 

Sinabi naman ni Dalio na buong tiwala siya sa ekonomiya ng Tsina at pag-unlad sa hinaharap, at handang magbigay ng mga bagong ambag sa sa pagtataguyod ng mapagkaibigang kooperasyon sa pagitan ng Amerika at Tsina.


Salin: Zheng Zihang

Pulido: Ramil