Hinimok Huwebes, Agosto 29, 2024 ni Tagapagsalita Gan Yu ng China Coast Guard (CCG) ang Pilipinas na agarang paalisin ang Philippine Coast Guard ship 9701 na ilegal na nananatili sa Xianbin Jiao ng Nanshan Qundao ng Tsina, at ihinto ang anumang aksyon ng paghahatid ng suplay sa nasabing bapor.
Isinalaysay ni Gan na ini-airdrop nitong Agosto 28 ng isang helikopter ng Pilipinas ang mga suplay sa bapor na 9701, sinubaybayan ng panig Tsino ang buong proseso, at hinawakan ang situwasyon alinsunod sa mga alituntunin.
Anang tagapagsalita, ang mapanganib na aksyon ng panig Pilipino ay napakadaling humantong sa aksidente sa dagat at himpapawid.
Dagdag ni Gan, maraming beses nang tinangka kamakailan ng panig Pilipino ang paghahatid ng suplay sa bapor na 9701, sa pamamagitan ng mga coast guard ship, public service vessel, at bapor-pangisda.
Maaaring resolbahin ang kaukulang problema ng nasabing bapor, sa pamamagitan ng pag-urong sa Xianbin Jiao, pero ipinupusta ng panig Pilipino ang kalusugan at buhay ng mga tauhan sa bapor na ito, at mapanganib na lumalapastangan sa karapatan ng Tsina sa katuwiran ng “humanitarya,” ani Gan.
Ang mga aksyon nito ay malubhang lumalapastangan sa soberanyang teritoryal ng Tsina, lumalabag sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea, at nakakasira sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Hinihimok niya ang panig Pilipino na huwag gawin ang miskalkulasyon sa situwasyon at pasidhiin ang kalagayan.
Kung hindi, isasabalikat ng panig Pilipino ang lahat ng mga grabeng resulta.
May di-mapapabulaanang soberanya ang Tsina sa Nansha Qundao na kinabibilangan ng Xianbin Jiao at nakapaligid na karagatan, at handang handa na ang CCG, upang buong tatag na ipagtanggol ang soberanyang teritoryal at karapata’t kapakanang pandagat ng bansa, dagdag ni Gan.
Salin: Vera
Pulido: Ramil