Hinggil sa Aking Blog
Mga Artikulo
v Mga espesyal na pagkain sa Spring Festival-New Year Cake 2011-01-31

Darating na ang Spring Festival, ito ang pinakamahalagang tradisyonal na kapistahan ng Tsina. Ang Spring Festival ay kapistahan ng pagsasalu-salo ng mga tao, at salu-salo rin ng iba't ibang tradisyonal na pagkaing Tsino. Sa susunod na blog, ibabahagi ko sa inyo ang mga masasarap na pagkain sa Spring Festival.

Nian Gao

 

Iba't ibang uri ng Nian Gao

Katulad sa Pilipinong pagkain: Puto bungbong

v Si Bian Que at ang Chinese idiom "Hui Ji Ji Yi" 2009-12-22

Si Bian Que ay isa pa ring di-mahahalinhang pioneer sa kasaysayan ng tradisyonal na medisina ng Tsina. Ang Chinese idiom na "Hui Ji Ji Yi" ay galing sa isang kuwento hinggil sa kanya.

Si Bian Que ay nabuhay sa pagitan ng 407BC at 310BC. Isa sa kanyang mahahalagang ambag sa tradisyonal na medisina ng Tsina ay isang sistema ng paggamot-Four Diagnostic Techniques of the Traditional Chinese Medicine-na kinabibilangan ng inspection, listening, inquiry at palpation. Ibig sabihin, sa pamamagitan ng naturang 4 na paraan, gumagawa ang doktor ng pinal na konklusyon kung ano ang dumapong sakit at ano ang mabisang lunas para rito. Noong panahong iyon, kilalang kilala si Bian Que dahil sa kanyang husay sa palpation o paghipo sa isang area ng katawan ng tao para malaman kung ano ang karamdaman.

More>>
Comments