|
||||||||
|
||
Si Bian Que ay isa pa ring di-mahahalinhang pioneer sa kasaysayan ng tradisyonal na medisina ng Tsina. Ang Chinese idiom na "Hui Ji Ji Yi" ay galing sa isang kuwento hinggil sa kanya.
Si Bian Que ay nabuhay sa pagitan ng 407BC at 310BC. Isa sa kanyang mahahalagang ambag sa tradisyonal na medisina ng Tsina ay isang sistema ng paggamot-Four Diagnostic Techniques of the Traditional Chinese Medicine-na kinabibilangan ng inspection, listening, inquiry at palpation. Ibig sabihin, sa pamamagitan ng naturang 4 na paraan, gumagawa ang doktor ng pinal na konklusyon kung ano ang dumapong sakit at ano ang mabisang lunas para rito. Noong panahong iyon, kilalang kilala si Bian Que dahil sa kanyang husay sa palpation o paghipo sa isang area ng katawan ng tao para malaman kung ano ang karamdaman.
Ang kahulugan ng kawikaang Tsinong "Hui Ji Ji Yi" ay "avoid seeing a doctor so as to conceal one's illness". Ang Cai ay isang vassal state sa panahon ng sinaunang Xizhou Dynasty hanggang Spring and Autumn Period. Nais ng Cai Huangong, hari ng Cai, na Makita si Bian Que nang marinig ang kahusayan niya sa panggagamot.
Nang makita ni Bianque ang Cai Huangong, sinabi niyang: "My majesty, umabot na sa balat at kalamnan ang inyong sakit, kung hindi gagamutin, baka lumala." Ayaw niyang maniwala't nagalit pa. Pagkaraan ng 5 araw, nang magtagpo muli ang dalawa, sinabi ni Bian Que: "My majesty, umabot na sa ugat ang inyong sakit, kung hindi gagamutin, masiyadong lalala." Nagpinting ang tenga ng hari. Nagdaan pa uli ang limang araw. Nang magkita ang dalawa, sinabi naman ni Bian Que na: "My majesty, umabot na sa bituka at sikmura ang inyong sakit, kung hindi gagamutin, baka maging sukdulan na sa lala iyan." Sumulak na ang dugo ng hari sa galit dahil sinabihan siyang may sakit. Nagdaan pa uli ang 5 araw. Nang makita ni Bian Que ang hari, mabilis na itong umiwas. Takang-taka ang hari at nagpadala siya ng alagad para alamin kung bakit umiwas sa kanya si Bian Que.
Sinabi ni Bian Que na: "Nang nasa balat at kalamnan pa lamang ang sakit, puwede pa itong alisin sa pamamagitan ng gamot. Nang pumunta sa ugat, puwede pang gamitan ng acupuncture. Nang mapunta sa bituka at sikmura ang sakit, ang lunas ay alak. Pero, ngayong nasa utak sa buto na ang sakit, wala na itong lunas." Nagdaan pa ang 5 araw. Totoong malalang malala na ang sakit ng Hari ng Cai. Nagpadala siya ng alagad para hanapin si Bian Que. Pero, umalis na si Bianque. Hindi tagal at namatay ang Hari ng Cai.
Ang kuwentong ito ay nagpapaliwanag ng isang mahalagang ideyang medikal ni Bian Que: Huwag "Hui Ji Ji Yi" o avoid seeing a doctor so as to conceal one's illness.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |