Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga espesyal na pagkain sa Spring Festival-New Year Cake

(GMT+08:00) 2011-01-31 15:08:25       CRI

Darating na ang Spring Festival, ito ang pinakamahalagang tradisyonal na kapistahan ng Tsina. Ang Spring Festival ay kapistahan ng pagsasalu-salo ng mga tao, at salu-salo rin ng iba't ibang tradisyonal na pagkaing Tsino. Sa susunod na blog, ibabahagi ko sa inyo ang mga masasarap na pagkain sa Spring Festival.

Nian Gao

 

Iba't ibang uri ng Nian Gao

Katulad sa Pilipinong pagkain: Puto bungbong

Brief Introduction: Ang Nian Gao o New Year Cake ay cake na may kulay ginto o puti at hugis bricks at mula ito sa glutinous rice at ibang ingredients. Sa unang araw ng bagong taon, sa lunar year, kumakain ang mga tao ng Nian Gao na nagpapahiwatig ng "Nian Niao Gao", ibig sabihin, lalo pang mapapabuti ang pamumuhay sa darating na taon. Ang kulay ginto ay nangangahulugan ng gold at kulay puti ay nangangahulugan ng silver.

Nutrition: Ang Nian Gao ay mayaman sa protein, fat, carbohydrate, hydrochloric acid, calcium, phosphorus, potassium at iba pang nutrients. Dahil binubuo ang Nian Gao ng glutinous rice, mahirap itong matunaw at kulang sa fiber. Kaya, huwag kumain nang labis. Samantala, mas mabuting kumain ng Nian Gao kasama ng iba pang pagkain na gaya ng gulay, prutas o tsaa.

Paraan ng pagluluto: Magkakaiba ang paraan ng pagluto ng Nian Gao sa Hilaga at Timog ng Tsina. Sa Hilaga ng Tsina, deep fried itio at pinasisingawan, at ang lasa ay kapwa matamis. Sa Timog ng Tsina, iginigisa naman ito, kasama ng iba pang gulay, at inilalaga rin ang Nian Gao. Ang Nian Gao ng Guangzhou ay laging hinahaluan ng sunflower seeds at dahon ng kawayan. Sa Hainan ng Tsina, hinahaluan naman ng asukal, sesame at Chinese date.

mga prosidyur ng paggawa ng Nian Gao

Alamat ng Nian Gao:

Noong Spring and Autumn period (770-476 BCE) ng Tsina, ang Suzhou ng lalawigang Jiangsu ng Tsina ay kabisera ng Wu state (in south China). Dahil noong panahong iyon, iba't ibang state ang naghahari sa buong Tsina at malimit ang kanilang paglalaban. Itinatag ng Wu state ang isang matatag na city wall para pigilin ang pananalakay ng ibang state.

Isang araw, nagdaos ang hari ng Wu state ng pagdiriwang bilang pagbati sa pagtatatag ng city wall at masayang-masaya ang hari at kaniyang mga ministro dahil sa wall na ito. Sabi nilang wala nang digmaan at wala na silang dapat ipagbahala mula noon. Ngunit, isa sa mga ministro na si Wu Zixu ay nag-alaala pa rin, sabi niya sa attendant, "Ang matatag na city wall ay totoong makakahadlang sa kalaban, pero, ang mga tao sa loob ng wall ay malilimitahan. Kung ang kalaban ay hindi makakasalakay, paliligiran nila ang buong state." Sabi rin niya sa attendant na mailalagay sa panganib ang Wu state, at magkakaroon ng kakulangan sa pagkain. Iminungkahi niyang puwede silang magpunta sa balkonahe ng Xiangmen upang maghukay ng 3 talampakan para makakuha ng pagkain.

si Wu Zixu

Hindi matagal at kinubkob ng Yue State ang Wu state, dahil kulang sa pagkain, naging mahirap ang pamumuhay ng mga mamamayan ng Wu at marami ang lumuluha. Naalaala ng attendant ni Wu Zixu ang sabi niya at ipinadala ang mga kasama sa balkonahe ng Xiangmen para maghukay. Nang maghukay sila nang 3 talampakan, natuklasan nilang ang bricks ng naturang balkonahe ay niyari ng glutinous rice. Nakaantig ang mga tao at lumuhod para pasalamatan si Wu Zixu. Salamat sa mga bricks na yari sa glutinous rice, nailigtas ang lahat ng mamamayan ng Wu state. Mula noon, bawat bagong taon, gumagawa ang mga tao ng mga bricks bilang pagdiriwang kay Wu Zixu. Unti-unti, itong tinawag na "Nian Gao o New Yew Cake".

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>