Hinggil sa Aking Blog
Mga Artikulo
v Bon Voyage, my dear Mrs. Brady! 2010-02-12

Namataan ko ang bulaklak na ito sa bulwagan ng CRI building. Sa wikang Tsino, ito ay tinatawag na "bulaklak na sumasalubong sa tagsibol".

Kahit hindi pa tuluyang naglalaho ang lamig ng winter sa Beijing, tahimik namang dumarating ang tagsibol ayon sa kalendaryong lunar ng Tsina at kung hihinga ka nang malalim at lalanghap ng preskong hangin, maaamoy mo ang katangi-tanging bango ng tagsibol…

v Biyaya at/o babala ng kalikasan? 2010-01-20


Parang isang matinding suntok na tumama sa aking puso ang balitang niyanig ng lindol ang Haiti at napakalaki ng idinulot na kapinsalaan…
Dali-dali akong naglatag ng mapa at nag-log-on sa internet para makakuha ng mas maraming impormasyon hinggil sa nasalantang bansa.

v Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon! 2009-12-25

Kinunan ko ang larawang ito sa aking komunidad nang matakpan ang Beijing ng unang niyebe sa taglamig na ito. Gusto ko pong pasalamatan ang unknown artist na gumawa ng snow bear na ito. 

Ilang taon na ang nakakaraan, noong araw na nasa high school pa ako, isa sa aking pinakapaborito awitin ang awiting ito ni Su Rui o Julie Su (isang kilalang mang-aawit mula sa Taiwan), na kung sa literal na salin, ang pamagat ay "Aginaldo".

More>>
Comments