|
||||||||
|
||
Parang isang matinding suntok na tumama sa aking puso ang balitang niyanig ng lindol ang Haiti at napakalaki ng idinulot na kapinsalaan…
Dali-dali akong naglatag ng mapa at nag-log-on sa internet para makakuha ng mas maraming impormasyon hinggil sa nasalantang bansa.
Ayon sa mga reference, ang Haiti ay matatagpuan sa 19º00' N latitude at 72º25' W longtitude sa kahilagaan ng Caribbean. 27,750 kilometro kuwadrado ang saklaw ng Caribbean island na ito at mahigit 9 na milyon ang populasyon.
Narito ang mga datos na sinipi ko mula sa Xinhuanet, opisyal na website ng pambansang ahensiya sa pagbabalita ng Tsina:
90% ng mga gusali, nawasak;
di-kukulangin sa 100,000 mamamayang Haitian, tinatayang namatay;
300,000 katao ang nawalan ng tahanan;
3,000,000 ang nangangailangan ng humanitarian aid;
Libu-libong mamamayan ang napilitang lumikas ng kanilang mga tahanan;
…
Samantalang sinasalanta ng likas na kalamidad ang Haiti, sa Beijing na libu-libong kilometro ang layo mula sa bansang ito, nagpapasasa naman ako sa enjoyment na dulot ng lamig at niyebe ng taglamig ng lupang-tinubuan ko. Ang ilang beses na pagpatak ng makapal na niyebe nitong taglamig na ito sa Beijing ay nagpapaalala sa aking naranasang taglamig, genuine winter na puno ng pumapagaypay na snowflake na kasingganda at kasinglaki ng mga puting paruparo, preskong hangin at asul na asul at maliwanag na maliwanag na kalangitan noong bata pa ako.
Habang nakatayo ako sa lupang natatabunan ng niyebe, nakatingala sa parang sapphire na kalangitan sa pamamagitan ng mga kalbong sangay ng puno at humihinga nang malalim ng preskong hangin, isa sa pinakapaborito kong paraan ng pagpapakasaya sa biyaya ng kalikasan na ilampung taon nang hindi nararanasan, biglang pinangibabawan ako ng desperasyon—ang tanong ko sa sarili ay talaga bang ito ay biyaya ng kalikasan, o sa totoo lang, isang babala?
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |