Mga Artikulo
• [Ernest] Male economy 2015/07/30

Kamakailan sa Beijing, nag-employ ang isang kompanya ng halos 100 dayuhan at sinuot nila ang costume ng Spartan, sundalo ng Griyego para mag-deliver ng salad sa mga nagtatrabaho sa central business district ng Beijing. Ito ay isinagawa ng naturang kompanya para ipromote ang kanilang produktong salad. Dahil bahagya ang saplot sa katawan ng naturang dayuhan, at matipuno at macho ang kanilang pangangatawan, madaling nakuha ng naturang promosyon ang mainit na pansin, hindi lamang ng mga residenteng lokal, kundi sa lipunan sa pamamagitan ng internet.

• [Ernest] Kung Tsino sila, sino ang magiging Pangulong Tsino? 2015/06/25

Pagkatapos ianunsiyo ni Jejomar Binay, Pangalawang Pangulo ng Pilipinas, ang pagtiwalag sa Gabinete ni Pangulong Benigno Aquino III, ang mga balita hinggil sa halalang pampanguluhan ng Pilipinas sa taong 2016 ay nakatawag ng pansin ng lipunang Tsino. Tulad ng alam ng lahat, nagkakaiba ang sistema ng halalan sa Tsina at ibang mga bansa na gaya ng Amerika at Pilipinas. Dito sa Tsina, walang katulad na pambansang halalan para direktang maihalal ang lider ng bansa. Naihalal ang Pangulong Tsino ng Sesyong Plenaryo ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), kataas-taasang lehislatibong organo ng Tsina, at ang mga kinatawan ng NPC ay naihalal ng mga nakabababang kongresong bayan ng lalawigan at lunsod. Dahil dito, nagkakaiba rin ang mga pamantayan at kinakailangang kahilingan ng Tsina at Pilipinas para maging pangulo ng bansa.

More>>
Comment