|
||||||||
|
||
Kamakailan sa Beijing, nag-employ ang isang kompanya ng halos 100 dayuhan at sinuot nila ang costume ng Spartan, sundalo ng Griyego para mag-deliver ng salad sa mga nagtatrabaho sa central business district ng Beijing.
Ito ay isinagawa ng naturang kompanya para ipromote ang kanilang produktong salad. Dahil bahagya ang saplot sa katawan ng naturang dayuhan, at matipuno at macho ang kanilang pangangatawan, madaling nakuha ng naturang promosyon ang mainit na pansin, hindi lamang ng mga residenteng lokal, kundi sa lipunan sa pamamagitan ng internet.
Bakit? Nitong ilang taong nakalipas, lumitaw ang isang bagong tagpo sa Tsina na tinatawag na "male economy." Ibig-sabihin, dumarami nang dumaraming kompanya ang kumukuha ng mga lalaki na guwapo-macho para ipromote ang kanilang produkto. Sa entertainment sector, ang mga macho-guwapitong actor ay naging pangunahing dahilan sa isang popular na TV series, musika, at mga show. Kaya masasabing ang naturang mga macho-guwapito ay naging bahagi ng isang produkto.
Walang duda, kasunod ng pag-unlad ng kabuhayan at industriya ng serbisyo sa Tsina, ito ang nagpapasigla sa paggugol ng mga Tsino ng mas maraming pera sa kunsumo.
Bukod dito, ang target ng "male economy" ay nagtatampok, pangunahin na, sa mga kababaihan. Unang una, sa larangan ng karera, halos pantay ang suweldo at pagkakataon ng mga kababaihan at kalalakihan. Kaya ang mga kababaihan ay mas mataas na purchasing power. Ikalawa, nagiging mas bukas ang sense of value ng lipunan at independent ang kaisipan ng mga kababaihan. Kaya ang mga kababaihan ay gumugugol ng mas maraming pera para sa kanilang sarili. Ikatlo, kumpara sa mga kalalakihan, mas simbuyo ang mga kababaihan sa konsumo at sa kabilang dako naman, ang naturang macho-guwapito ay nakakaakit-akit sa kanilang pansin.
Ang paglitaw ng "male economy" ay hindi lamang bagong pagkakataon para sa komersyo, kundi nagpapakita ng pagtaas ng katayuan ng mga kababaihan at isang mas bukas na lipunan. Kaya masasabing ang mga leftover ladies ay hindi isyung panlipunan, kasi maaaring ma-enjoy nila ang sariling pamumuhay. Pero para sa mga leftover boys, kailangan nilang mas magsikap para makuha ang kalooban ng babae na minamahal niya, o ma-enjoy din nila ang sariling pamumuhay na tulad ng mga leftover ladies.
1. Noong ika-21 ng Hulyo ng taong 2001, ang male model ay kauna-unahang lumitaw sa isang pestibal ng kotse na idinaos sa Nanjing ng lalawigang Jiangsu.
2. Mag-employ ang isang kompanya ng male model para ipromote ang kanilang produkto.
3. Noong ika-8 ng Abril ng taong 2007 sa Nanjing, kumuha ang isang kompanya ng apat na dayuhang model para maglingkod sa party.
4. Sa Shanghai, ang naturang apat na model ay nasa tapat ng isang mall para hikayatin ang mga mamimili.
5. Noong Pebrero ng taong 2012, taglamig sa Wuhan ng lalawigang Hubei, 12 male modal ang kinuha para ipromote ang mga produkto sa isang mall.
6. Noong ika-29 ng Hulyo ng taong 2014 sa Beijing, ang mga male model ay pumasok sa isang opisina para direktang ipromote ang mga cake sa mga kababaihang nagtatrabahado roon.
7. Noong 2014 sa Guangzhou, ang naturang model ay para palaganapin ang isang marathon race roon.
8. Noong 2014 sa Wuxi ng lalawigang Jiangsu, ang isang guwapong trabahador ng shoe store ay naglingkod para sa isang babaing mamimili.
9. Noong Marso ng taong 2015, ang isang male model ay inilagay sa isang malaking box para hikayatin ang pansin ng mga tao.
10. Sa Tsina, ang mga dayuhang model ay nagiging popular.
11. Noong 2014, ang mga model ay nasa isang pagtatanghal ng real estate company.
12. Noong Hunyo ng taong 2015 sa Taiyuan ng lalawigang Shanxi, ang mga male model ay lumahok sa isang charity event para makatawag ng pansin ng mga residenteng lokal para tulungan ang mga sanggol sa mga mahihirap na lugar.
13. Noong ika-22 ng Hulyo ng taong 2015 sa Beijing, ang mga dayuhang model ay nasuot parang Spartan na sundalo para ipromote ang isang tatak ng salad.
Back to Ernest's Blog
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |