|
||||||||
|
||
Pagkatapos ianunsiyo ni Jejomar Binay, Pangalawang Pangulo ng Pilipinas, ang pagtiwalag sa Gabinete ni Pangulong Benigno Aquino III, ang mga balita hinggil sa halalang pampanguluhan ng Pilipinas sa taong 2016 ay nakatawag ng pansin ng lipunang Tsino.
Tulad ng alam ng lahat, nagkakaiba ang sistema ng halalan sa Tsina at ibang mga bansa na gaya ng Amerika at Pilipinas. Dito sa Tsina, walang katulad na pambansang halalan para direktang maihalal ang lider ng bansa. Naihalal ang Pangulong Tsino ng Sesyong Plenaryo ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), kataas-taasang lehislatibong organo ng Tsina, at ang mga kinatawan ng NPC ay naihalal ng mga nakabababang kongresong bayan ng lalawigan at lunsod. Dahil dito, nagkakaiba rin ang mga pamantayan at kinakailangang kahilingan ng Tsina at Pilipinas para maging pangulo ng bansa.
Kaya narito ang isang kawili-wiling kuwento: Kung sina Jejomar Binay, Manuel Roxas II, Grace Poe, Rodrigo Duterte, apat na pinakamainit na kandidato sa pagkapangulong Pilipino sa taong 2016, ay magiging Tsino, sino ang may pinakamalaking oportunidad sa pagiging Pangulong Tsino?
Batay sa mga pamantayan at kinakailangang kahilingan para sa Pangulong Tsino, si Rodrigo Duterte, Alkalde ng Davao City ay may pinakamaliit na pagkakataon. Dahil wala siyang mga karanasan sa paghawak ng mga pambansang isyu. Bukod dito, sa sistemang pulitikal ng Tsina, malaki ang agwat sa pagitan ng Pangulo ng bansa at Alkalde ng isang lunsod. Kung gusto ng isang alkalde ng lusod ng Tsina na maging pangulo ng bansa, dapat siyang makaranas ng pagsubok ng mga posisyon sa antas ng lalawigan at pamahalaang sentral.
Maliit rin ang pagkakataon ni Senator Grace Poe. Ang pinakamalaking depekto para sa kaniya ay kakulangan niya ng mga karanasan bilang isang administratibong opisyal. Sa kabilang dako naman, ito'y nagpapakita ng isang problema ng sistemang pulitikal ng Tsina, na mas malakas ang puwersa ng pamahalaan kaysa sa lehislatibong organo at departamentong hudisyal.
Sa sistema ng halalan ng Tsina, sina Jejomar Binay at Manuel Roxas II ay mayroong sapat na karanasan at tagumpay sa kanilang tungkulin para ipakita ang kanilang kakayahan at kuwalipikasyon para maging lider ng isang bansa.
Ang pinakamalaking hamon para kay Binay ay mga akusasyon ng korupsyon. Dito sa Tsina, kung mapatunayan ang isang opisyal matapos akusahan ng korupsyon, ibig-sabihin, tapos na ang karerang pulitikal.
Sa kasalukuyan sa Pilipinas, wala pang ipinapatalastas na aktuwal na plano si Mar Roxas para maging pangulo. Dahil dito, apektado ang kalagayan ng pagsuporta sa kanya.
Pero sa Tsina, ang mga karanasan at tagumpay sa kasalukuyang posisyon ay paunang isinasaalang-alang para pataasin ang posisyon ng isang opisyal. At dahil sa mga kaganapan noong panahon nina Mao Zedong, Deng Xiaoping at Jiang Zemin, sa kasalukuyan, may mas malaking pagkakataon sa pagiging pangulong Tsino ang isang taong may matibay na kalooban at maaaring isaayos ang mga nagkakaibang kahilingan ng iba't ibang sektor ng lipuanan, kaysa sa isang taong may malakas na kabighanian at maliwanag na pinapanigang pulitikal.
Back to Ernest's Blog
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |