比(bǐ)赛(sài)开(kāi)始(shǐ)了(le) 他(tā)打(dǎ)得(dé)真(zhēn)好(hǎo)
20150820Aralin67Day1.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
您nín好hǎo, helo po, mga giliw na tagasubaybay. 好(hǎo)久(jiǔ)不(bú)见(jiàn). Matagal tayong hindi nagkita. Maraming salamat po sa muli ninyong pagsi-sit-in sa Pag-aaral ng Wikang Tsino.
Sa nakaraang aralin, pinag-usapan natin ang mga pangungusap na may kinalaman sa isport at pag-e-ehersisyo. Sa bagong aralin, manonood tayo ng paligsahan sa isports at matututuhan ang mga may kinalamang pangungusap.
Pagkaraan ng mga dalawang oras na paghihintay sa harap ng TV, nagsimula na rin, sa wakas ang laro. Ang "nagsimula na ang laro" sa wikang Tsino ay:
比(bǐ)赛(sài)开(kāi)始(shǐ)了(le)!
比(bǐ)赛(sài), laro.
开(kāi)始(shǐ), simulan.
了(le), katagang nagpapakita ng kaganapan ng aksyon.
Kung gusto naman ninyong malaman kung sino ang naglalaban, ganito ang dapat sabihin:
谁(shuí)和(hé)谁(shuí)比(bǐ)?
谁(shuí), sino. Maaari rin ninyong sabihing "shéi" para sa mas kolokiyal na bigkas.
和(hé), at.
比(bǐ), makipaglaban o makipagtagisan.
Narito po ang unang usapan:
A: 比赛(bǐsài)开始(kāishǐ)了(le)!你(nǐ)快(kuài)来看(láikàn)呀(ya)!Nagsimula na ang laro. Halika! Manood tayo!
B: 谁(shuí)和(hé)谁(shuí)比(bǐ)?Sino ang naglalaban?
A: 中国(zhōngguó)对(duì)韩国(hánguó)。Tsina laban sa Timog Korea.