Sa kanyang mensaheng pambati, Disyembre 3, 2023 sa Liangzhu Forum, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang Liangzhu Archaeological Ruins ay patunay ng limang libong taong kasaysayan ng sibilisasyong Tsino, at ito rin ay isang kayamanang pandaigdig.
Aniya, ang paggagalangan sa isa’t-isa, kapit-bisig na pagpupunyagi, at mapayapa’t maharmonyang pakikipamuhayan ang tamang landas ng pag-unlad ng sangkatauhan.
Umaasa siyang lubos na sasamanlatahin ng iba’t-ibang panig ang plataporma ng Liangzhu Forum upang mapasulong ang maharmonyang pakikipamuhayan ng iba’t-ibang sibilisasyon at mapalalim ang pag-uunawaan ng mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa.
Sa ilalim ng temang “Pagsasagawa ng Global Civilization Initiative at Pagpapasulong ng Pagpapalitang Pansibilisasyon,” idinaos sa lunsod Hangzhou, probinsyang Zhejiang, gawing silangan ng Tsina ang Liangzhu Forum.
Salin: Lito
Pulido: Rhio