Spring Festival reception, inihandog ng Komite Sentral ng CPC at Konseho ng Estado ng Tsina; Pangulong Tsino, nagtalumpati

2024-02-09 10:05:59  CMG
Share with:

Great Hall of the People, Beijing — Idinaos Pebrero 8, 2024 ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Konseho ng Estado ng bansa ang Spring Festival reception.

Sa kanyang talumpati sa resepsyon, ipinaabot sa ngalan ng Komite Sentral ng CPC at Konseho ng Estado, ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Sentral na Komisyong Militar, ang pagbating pambagong-taon sa mga mamamayan ng iba’t-ibang nasyonalidad ng bansa, mga kababayan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao (MacaoSAR), at Taiwan, at mga overseas Chinese.

Ipinagdiinan ni Xi na sa harap ng masalimuot na kapaligirang pandaigdig at napakahirap na misyon ng reporma at pag-unlad, sa pamamagitan ng lubos na pagpupunyagi ng lahat ng mamamayang Tsino, napagtagumpayan ang maraming kahirapan at hamon, at nakamit ang matatag na progreso sa komprehensibong pagtatayo ng sosyalistang modernong bansa.


Pinanguluhan ni Premyer Li Qiang ang resepsyon.


Salin: Lito

Pulido: Ramil