170919maartetapos.mp3
|
Si Yan Weiwen ay isa sa mga pinakakilalang singer ng Tsina noong 1980s.
Isinilang si Yan Weiwen noong 1957 sa lalawigang Shanxi ng Tsina. Noong 1970, sinimulan ng 13 taong gulang na si Yan Weiwen ay pumasok siya sa Shanxi Song and Dance Troupe upang maging isang singer. Dahil sa kanyang outstanding performance, noong 1979, pumunta siya sa Beijing, upang maging isang singer at sundalo ng General Political Department Song and Dance Troupe gn People's Liberation Army. Noong 1988, sa kanyang ikatlong beses na pagtayo sa entablado, nakuha ni Yan ang first prize. Sa pamamagitan ng TV Screen, nakita ng mga mamamayan ng buong Tsina ang kanyang performance at sa bandang huli, siya ay naging popular sa buong bansa, hanggang ngayon.
Bukod sa mga songs na may military themes, inawit din ni Yan ang mga folk songs ng iba't ibang etnikong minorya ng Tsina. Narito ang "Half Moon," folk song ng Uighur ethnic group.