Father And Son

2017-10-24 10:20:22  CRI
Share with:

 Si Fan Xiaobing ay isang 30 taong gulang na lalaki. Pero, napaka hirap niya, wala siyang trabaho siya.

Si Fan Xiaobing ay mayroong pangarap: gusto niyang magbukas ng sariling kompanya. Pangarap na niya ito, mula noong 20 taong gulang pa lang siya at sinimulan niya ang pagsisikap pa rito. Pero, 10 taon na ang nakararaan, wala siyang asenso. At lalo pa siyang naghirap.

Namatay ang kanyang ina dahil sa sakit. Sa pamiliyang Fan, buhay na lamang ang ama at anak. Hindi mabuti ang relasyon ng ama at batang lalaki. Ipinalalagay ni Yingxiong na si Xiaobing ay walang desenteng trabaho at iresponsable, pero ipinalalagay ni Xiaobing na hindi sinusuportahan ng ama ang pangarap niya. Sa pamiliya, madalas na nag-aaway sila.

Father And Son

Ang ama ni Xiaobing na si Yingxiong

Bukod sa ama, ang pinakaclose na tao kay Fan Xiaobing ay si Wenwen, girlfreind niya. Mahal na mahal ni Wenwen si Fan Xiaobing, pero, dahil sa kahirapan, hindi makapagpakasal ang lovers na ito.

Father And Son

Sina Wenwen at Xiaobing

Datapuwa't laging bigo, ayaw itakwil ni Fan Xiaobing ang kanyang pangarap. Sinimulan niya na manghiram ng pera mula sa relatives at kaibigan. Walang gustong tumulong. Dahil walang ibang paraan, napilitan si si Fan Xiaobing na humiram ng pera mula sa gangs.

Sa palagay ni Xiaobing, kahit mapanganib ang gangs, mayroong tiwala siya sa kanyang bagong proyekto. Ipinasiya niyang bayaran ang utang agad kapag kumita na ang negosyo pero minalas pa rin siya.

Walang pera si Fan Xiaobing na bayaran ang utang sa gang na mayroong mataas na interes. Si Mr"OK", leader ng gang, ay nagbanta na at nanakit na rin sa kanya habang naniningil. Kung hindi, papatayin ni Mr Ok ang kanyang girlfreind at ama.

Father And Son

Si Mr OK, the gang leader

Dahil gipit, inisip ni Xiaobing ang isang "matalino" ideya: idinaos niya ang funeral para sa kanyang ama.

Father And Son

Si Xiaobing sa fake funeral ng ama niya

Ayon sa custom ng Tsina, kung makikiramay sa patay dapat magpadala ng pera ang mga kamag anak. Gusto ni Xiaobing na mangalap ng pambayad sa paraang ito.

Gumawa siya ng isang plano: unang una, bumili siya ng dalawang tickets, para sa ama at para sa tatay ng nobyang si Xianxian, para pumunta sa Yunnan —— kilalang lalawigang panturismo ng Tsina. Ipinalalagay ni Yingxiong na ito ay regalo mula sa batang lalaki, at masayang tinanggap ang tickets at pumunta sa Yunnan.

Matapos umnalis si Yingxiong, agarang idinaos ni Xiaobing ang fake funeral para sa ama niya. Maayos ang pagsasagawa ng planong ito, nakiramay ang mga relatives at kaibigan ni Yingxiong, at natamo ni Xiaobing ang malaking halaga ng pera.

Pero, sa pinakahuling bahagi ng funeral, hindi inaasahang umuwi si Yingxiong mula sa Yunnan.

Sa Yunnan, di sadyang nakita si Yingxiong ng mga kapitbahay at nagulat ang mga ito at inakalang si Yingxiong ay nagmumulto.

Dahil dito, nalaman ni Yingxiong ang tricks ng kanyang anak, galit na galit siya, sa kanyang sariling fake funeral.

Umuulan ng araw na iyon, at binugbog ni Yingxiong ang anak at inutusan itong isauli ang pera sa mga kamag-anak. Pero, kung hindi babayaran si Mr. Ok tiyak na may gagawing masama ito sa ama at nobya. Kahit itinakwil ng ama, umalis si Xiaobing sa lamay dala ang lahat ng perang abuloy.

Pumunta siya sa bahay ni Mr Ok at ipinakita ang pera pero hindi pa raw sapat ang halaga. Hindi pinaalis ni Mr OK si Xiaobing sa bahay niya, nalaman ni Mr OK na si Yingxiong ay mayroong deposito sa bangko at si Wenwen, ang girlfriend ni Xiaobing, ay mayroong isang maliit na restawran. Kaya gusto ni Mr Ok na kunin ang mas malaking halaga ng pera mula sa pamilyang ito.

Tumelepono si Mr OK kay Yingxiong, at sinabi niyang: "Ang anak mo ay nasa bahay ko, kailangan mo siyang tubusin ng salapi kundi siya ay papatayin ko."

Father And Son

Si Yingxiong ay higit 50 taong gulang na. Sa kabila ng hindi magandang relasyon anak, nag alala pa rin ito.

Dating sundalo ang ama. At sa pekeng lamay, ang mga kalahok ay kapwa niya mga sundalo. Kahit ngayon lang ulit nagkita-kita mabilis na inorganisa ni Yingxiong ang isang maliit na rescue team na binuo ng kanyang sarili at tatlong pang pinakamabuting kaibigan niya sa army.

Father And Son

Sinimulan ng matandang rescue team na ito ang mapanganib na misyon. Hinanda ang sandata, inayos ang plano, sa pamamagitan ng mahusay na karanasan sa army, nahanap nila ang bahay ni Mr OK at pumasok sa bedroom niya.

Hindi inaasahan ni Xiaobing na ang kanyang ama ay pumasok sa mapanganib na lugar na ito para iligtas siya. Nakakulong ito at nang makita ang ama naisip nitong ang ama niya ay isang totoong sundalo, isang hero, at isang tatay na tunay na mahal ang anak.

Sa tulong ng amang sundalo, nailigtas ang anak at sa kauna unahang pagkakataon ay magkasanggang lumaban sa gang members at magkasamang tinalo si Mr OK, at nakuha nito ang kanilang pera.

Ibinalik ni Xiaobing ang mga pera sa mga relatives at kaibigan. Pagkaraan ng thrilling na karanasang ito, naging mas steady ang character niya. Nanatiling may pangarap, pero, gusto niyang isakatuparan ito sa mas tumpak na paraan.

At siyempre, ang pinakamahalagang bagay na nalaman niya, ay pagmamahal mula sa ama. Sa bandang huli, nagkasundo ang mag-ama.

Father And Son

 

404 Not Found

404 Not Found


nginx/1.26.1
Please select the login method