180123part1tapos.mp3
|
Mga kaibigan, ang banda na tatalakayin naming today ay may pamagat ng "Flower."
Binuo ang bandang Flower noong 1998 at mayroong 4 na miyembro: Si Zhang Wei, lead singer; Wang Wenbo, drummer; Guo Yang, bass player at Shi Xingyu, guitarist.
Bukod kay GuoYang, ang ibang tatlong miyembro ay ay ipinanganak noong dekada 80. Noong 1998, taong itinayo ang banda, 15 taong gulang lang ang lead singer na si ZhangWei.
Kaya, tinagurian silang "Pinakabatang POP-Punk Band sa Tsina."
Sa Tsina, mayroong isang kasabihan, "ang mga bata ay bulaklak ng bansa." Ito ang dahilan kung bakit pinili ng banda ang Flower bilang pamagat ng kanilang awit. Ang "kabataan" ay katangian ng bandang ito, hindi lamang sa gulang ng mga miyembro, kundi rin sa kanilang mga kanta. Ang tema ng mga kanta ng Flower ay madalas hinggil sa pag-i-isip or confusion sa buhay ng mga kabataan.
Noong 1999, isang taon makaraang maitayo ang banda, ipinalabas ng Flower ang kanilang kauna-unahang music record: "Sa Tabi ng Kaligayahan." Si Zhang Wei, lead singer ay siya ring lyrist at composer.
Agarang naging popular ang kantang Sa Tabi ng Kaligayahan. Kasabay nito, naging popular din ang isa pang kanta sa record na ito: "After School." Tulad ng "Sa Tabi ng Kaligayahan," sa kantang "After School," lubos ang pagtatanong at confusion ng isang kabataan sa buhay at daigdig. Noong 2001, ipinalabas ng Flower ang ikalawang music record: Pahayag ng Strawberry. Sa kabuuan, ipinagpatuloy nila ang estilo ng "pop punk." Narito ang lead song "Punk Boy."
Sa mula't mula pa'y, mayroon nang title ang Flower na "teenager band," dahil bata ang mga miyembro. Noong 2004, naging adults na ang lahat ng 4 na miyembro, at noong taong ito, ipinalabas nila ang kanilang ikatlong music record. This time, kinanta ng banda ang ilang love songs, narito ang "I'm your Romeo."