tapos180220maarte.mp3
|
Mga kaibigan ngayong ay panahon ng Spring Festival ng Tsina. Kapag narito po kayo ngayon sa Tsina, tiyak na mapapanood ninyo ang iba't ibang TV program tungkol sa kapistahang ito. At ang maririnig ninyong awit ay isa sa mga pinkatradisyonal na musika na espesyal na para sa Spring Festival. Ang pamagat ng musikang ito ay "Overture ng Spring Festival," at ito ang unang chapter ng "Spring Festival Suite," na inikompose ni Li Huanzhi, kilalang composer ng Tsina. Isinilang ang "Spring Festival Suite" noong dekada 50, at mula noon, ito ay naging pinakapopular na musika sa panahon ng Spring Festival ng Tsina.
Ang isa pang popular na musika na madalas na ginamit sa Spring Festival ay "Dance of Golden Snake." Tulad ng "Spring Festival Overture," isinilang ito mula sa kamay ng isang kilalang composer sa kasaysayang Tsino, at ang composer na ito ay si Nie Er.
Ang ikatlong Spring Festival Music, ay nagmula sa folk music ng lalawigang Guangdong. Pagkaraan ng muling pag-a-areglo, ito ngayonn ay isa sa mga pinakapopular na Spring Festival Music ng Tsina. Narito ang "Better and Better."
Ang "Spring Festival Overture" at "Dance of Golden Snake" ay kadalasang ginagamit bilang back ground music sa mga feature program ng Spring Festival, pero kung maglalakad ka sa kalye, matutuklasan mo na sa mga palaruan, at mga mall, madalas na ginamit ang mga pop music na may kinalaman ng Spring Festival. Ang Spring Festival ay pinakamahalagang pestibal ng Tsina, kaya maraming pop songs hinggil dito. Ang susunod na kanta ay may pamagat na Gong Xi Fa Cai. 恭喜发财。
Ang singer ng narinig ninyong kanta ay isang pop band na binubuo ng dalawang batang babae, at ang pamagat ng bandang ito ay "China Dolls." Inawit nila ang mga kantang may tema ng tradisyonal na elementong Tsino. Narito ang isa pa nilang kanta "Happy Chinese Spring Festival."
bandang "China Dolls"
Ang last music na ibabahagi namin sa inyo, ay pop song na may tema ng Spring Festival. Ito ay napakapopular sa Tsina, dahil ang singer nito ay isang big star walang iba kundi si Andy Lao. "Gong Xi Fa Cai "rin ang pamagat nito, at ito'y inawit ni Andy sa Spring Festival Gala noong 2005, at sapul noon ito ay naging popular sa Tsina. Bago kop o ibigay sa inyo ang last song, nais ko pong bumati sa lahat ng Manigong Bagong Taon ng Aso, Xin Nian Kuai Le, Gou Nian Da Ji!
Si Andy Lao