Mga kanta sa Tagsibol.

2018-04-04 17:37:10  CRI
Share with:

Mga kaibigan, ang unang kantang naririnig namin ay may pamagat na "Spring Symphony " na inawit ni inawit ni Tarcy Su, female pop singer mula sa Taiwan.

 

Mga kanta sa Tagsibol.

si Tarcy Su

Dumating na ang tagsibol sa Beijing at nagiging mas mainit ang klima; namumulaklak na rin ang mga bulaklak. Kasabay nito, ang buhay ay unti-unti na ring nagiging malumanay at maganda. Kaya ang tema ng ating programa ay "tagsibol," at pinili namin para sa inyo ang ilang Chinese songs na may temang tagsibol. Halina't magkakasama nating damhin ang tagsibol, kasama ng musika.

Ang tagsibol ay isang magandang season kaya ito ay mabuting panahon para sa romansa. Sa Tsina, maraming art works, na kinabibilangan ng nobela, pelikula, at kantang tungkol sa love story ang may setting ng tagsibol. Ang ikalawang kanta na maririnig ninyo, ay theme song ng isang matanda pero klasikong drama ng Tsina, ang pamagat ng kantang ito ay pareho ng pamagat ng dramang ito, "I Have a Date with Spring."

 

Mga kanta sa Tagsibol.

Si Liu Yali, singer ng kantang ito

Mayroong maraming bersyon ang kuwentong ito. Ang stage drama, pelikula, TV Series, at ang kantang napili namin ay pinakapopular na version, ng TV Series na ipinalabas noong 1995 sa HK.

Mga kanta sa Tagsibol.

Ang post ng TV Series "I Have a Date with Spring" na ipinalabas noong 1995

Ang susunod na kanta na ibabahagi namin ay mula sa isang male pop singer na si Khalil Fong. Ito ay isang masaya at relax na kantang pinamagatang "Wind in Spring."

Mga kanta sa Tagsibol.

Pero kahit Tagsibol, hindi lahat ng naisin natin ay makakamtan. Sa tema ng Tagsibol, mayroon ding ilang malungkot na kanta. Narito ang awiting "Tagsibol" mula kay Hins Cheung, isa pang male pop singer ng Tsina. Ang kantang ito ay nagpapahayag ng malungkot na love story, at ayon sa lyrics nito, "hindi maganda ang tagsibol, kung wala ka."

Mga kanta sa Tagsibol.

si Hins Cheung

Mga kaibigan, ang last song na pinili namin today, ay isang pop song na nagpupuri sa tagsibol, pero mayroon itong maraming elemento ng matandang lokal na folk song ng Tsina, "Pink Peach Blossom." Ang pulang bulaklak at berdeng dahon, ay karaniwang magandang tanawin sa tagsibol. Ang tagsibol ay pagsisimula ng isang taon, kaya ito ay isang magandang pagsisimula.

Mga kanta sa Tagsibol.

Please select the login method