14℃
Beijing

"Xi Jinping's discourses on BRI" sa edisyong Ingles at Pranses, inilathala

2019-04-25 10:47:58  CRI
Share with:

图片默认标题_fororder_20190425BRIBook500

Pinasinayaan sa Beijing nitong Miyerkules, Abril 24, 2019 ang seremonya ng paglulunsad ng kompilasyong "Xi Jinping's discourses on Belt and Road Initiative (BRI)" sa edisyong Ingles at Pranses. Dumalo sa seremonya ang mahigit 200 kinatawan mula sa sirkulong pang-kaisipan at panteorya, at sirkulo ng pagsasalin at publisidad sa loob at labas ng Tsina.

Taglay ng nasabing aklat ang 42 artikulong isinulat ni Pangulong Xi Jinping mula noong Setyembre ng 2013 hanggang Hulyo ng 2018 tungkol sa konstruksyon ng "Belt and Road." Malalim na inilahad ng mga ito ang prinsipyong pampatnubay, mayamang nilalaman, at target ng BRI.

Ang edisyong Ingles at Pranses ng aklat na ito ay isinalin at inilathala ng China Foreign Languages Publishing Administration and the Foreign Languages Press upang tulungan ang komunidad ng daigdig na mas mabuting maunawaan at makilahok sa konstruksyon ng "Belt and Road."

Ayon sa ulat, makikita ang naturang aklat sa Ikalawang Belt and Road Forum (BRF) for International Cooperation.

Salin: Li Feng

Koment( Komento)

Please select the login method