Sa talumpati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina noong Ika-28 ng Marso 2015, sa taunang pulong ng Boao Forum for Asia sa lalawigang Hainan, iminungkahi niyang dapat idaos ang Conference on Dialogue of Asian Civilizations, na naglalayong palakasin ang pagpapalitan ng mga kabataan, organisasyong di-pampamahalaan, media at iba pang sirkulo ng iba’t ibang bansa ng buong Asya.
Ito aniya ay para sa mas masaganang pagpapalitang kulutral ng mga mamamayang Asyano, at mas masiglang pag-unlad ng buong Asya.
Ang mungkahi ni Pangulong Xi ay naging katotohanan. Mayo 15 - 17, 2019, opisyal na idinaraos ditto sa Beijing ang Conference on Dialogue of Asian Civilizations o CDAC.
Ang tema nito ay “exchanges and mutual learning among Asian civilizations as well as a community with a shared future.”
Idinaos ng CDAC ang maringal na seremonya ng pagbubukas, at mayroon itong 6 na sub-forum, at iba pang malaki at makulay na aktibidad.
Bilang mahalagang bahagi ng CDAC, noong ika-15 ng buwang ito, idinaos ang Asian Cultural Carnivals na itinaguyod ng China Media Group o CMG.
Sa carnival, sa kauna-unahang pagkakataon, ipinalabas rin ang theme song ng CDAC, na pinamagatang “Our Asian.”
Bilang kapistahan ng buong Asya, lumabas sa carnival ang mga singer mula sa iba’t ibang bansa ng Asya.
Narito ang kantang “Neighbours at the Edge of Flowers and Wind,” na inawit nina Zhang Jie mula sa China,Rain mula sa South Korea,JJ Lin mula sa Singapore, Do Thi Thanh Hoa mula sa Vietnam at Eden Holan ng Israel.
Bukod diyan, ang CDAC ay kapistahan ng sibilisasyong ng buong daigdig, kaya, may performance rin ng kilalang kanta ng Italy, na tulad ng “Aria《Nessun Dorma》 na inawit ni Andrea Bocelli mula sa Italy.
Bukod sa mga tradisyonal at klasikong folk art ng iba’t ibang bansang Asyano, lumabas din sa carnival ang mga batang pop singer.
Narito ang isang kanta na magkakasamang inawit ng mga young singers ng Tsina, na sina William Chan ng Hong Kong, China, Zhang Yixing,at bandang Young Asia. Ang kantang ito ay pinamagatang “ Youth of Asia. ”
Ang CDAC ay isang malawak na plataporma ng pagkakaisa ng sibilsasyon at komong palagay ng buong Asya.
Ito rin ay maringal na kapistahan ng kultura ng Asya. Nagsimula ito sa Asya, at bukas sa buong daigdig.
Sa bandang huli, ito ang kanta na very pleasant to hear, na may pamagat na “Auld Lang Syne” o “Freindship lasts forever.” na inawit nina Shi Yijie ng Tsina,Sandeep Gurrapadi ng India,Aon Maarouf ng Syria, Evangelos Giamouris ng Greece , at Josefina Brivio ng Peru.