Noong sinaunang panahon, sa malawak na asul na dagat sa dakong timog ng Tsina, may isang maliit na nayon ng mga mangingisda. Mayroon itong magandang tanawin, at mabait ang mga tao sa isa’t isa. Si Manjiang, isang 7 taong gulang na batang lalaki, ay nakatira dito, kasama ng kanyang lolo.
Si Manjiang
Ang lolo ni Manjiang
Sa hene-henerasyon, pangingisda ang hanap buhay ng mga tao dito, ganoon din ang lolo ni Manjiang. Kaya, mayroon siyang malalim na pagmamahal sa dagat. Lumaki siyang pinapakinggan ang maraming magandang kuwento hinggil sa dagat mula sa lolo. Sa mata nila, ang dagat ay inang kalikasan na nagkakaloob ng pagkain para sa mga tao.
Pero, bukod sa makulay na alamat, hindi rin makalimutan ni Manjiang ang isang kakila-kilabot na kuwento: sa laot, may nakatirang halimaw ng dagat, na kumain ng isda at tao. Kaya, hindi dapat pumalaot ng sobra para mangingisda.
Para sa hene-henerasyon, sinunod ito ng mga mangingisda. Pero, napakayaman ng karagatan pagdating sa pagkain at iba pang kapaki-pakinabang na yamang dagat, kaya laging masaya ang mga mangingisda. At ang pamumuhay nila ay tulad ng dagat sa mabuting klima, maganda, mapayapa, at masaya.
Isang araw, dumating ang isang estranghero sa nayon. Siya ay isang middle aged man, suot ang mamahaling damit. Kasama niya ang grupo ng mga lalaki sanggano. Tinatawag niya ang sarili bilang “Mr. Ma.”
Si Mr Ma
Sa harap ng mga villagers, bumigkas si Mr Ma ang mahabang talumpati. Sinabi niya, ang dagat sa paligid ng maliit na kanayunang ito, ay isang malaking treasure. Sabi niya na alam niya ang bagay hinggil sa halimaw, at sa katotohanan, ang sea monster ay bantay ng treasure sa pusod ng dagat. Sabi niya sa mga villagers na mayroon siyang madaming pera, at nakahanda siyang magkaloob ng pera, magtayo ng malaki at malakas na bapor, hanapin ang halimaw at patayin ito, kaya, maaaring ibahagi niya sa mga taga nayon ang kayamanan.
Naging excited ang maliit at mapayapang nayon. Kahit masaya sila sa kasalukuyan at mayroong sapat na pagkain, pero, sino ba ang may ayaw sa mas maraming ginto, perlas at pera?
Sa mga boses ng pagsang-ayon, iisang tao ang tumutol sa mungkahing ito. Siya ay lolo ni Manjiang.
Sabi niya na: “Ang matandang panuntunan ay mayroong sariling dahilan. Hindi maaaring sirain ang tradisyon.”
Pagkatapos ng naturang pahayag, tulad ng mga normal na araw, pumalaot si lolo para mangisda.
Tulad ng ibang villagers, hindi naiintindihan ni Manjiang ang sinabio ng kanyang lolo. Kaya, ipinasiya niyang itanong ito pagbalik niya.
Pero, hindi umuwi ang lolo sa regular na oras. Nag hintay si Manjiang sa lolo. Tapos, kumagat ang madilim, pero, hindi umuwi ang lolo.
Ipinalalagay ni Manjiang na hindi maaaring maghintay na lang. Lumabas siya, at sakay ng kanyang maliit na bangka pumunta sa dagat, para hanapin ang lolo niya.
Masama ang panahon ng gabing ito, may malakas na hangin at ulan, masungit ang dagat, malakas ang alon. Sa kadiliman, naging pangit at nakakatakot ang dagat.
Si Manjiang ay 7 taong gulang lang, pero, para hanapin ang lolo, kanyang tanging relative, nagpakita siya ng tapang ng isang tunay na lalaki. Nagsagwan siya ng kanyang bangka at nagtatawag ng lolo sa itim na dagat, unti-unting, ang bangka ay napalayo sa nayon. Sa bandang huli, nawala siya.
Sa gitna ng laot, hindi na tanaw ang nayon at hindi rin niya alam kung saan ang direksyon. Nawalan ng loob si Manjiang, nanlumo dahil hindi na niya maaaring hanapin ang lolo, at mamamatay rin siya sa dagat, malungkot na umiyak siya sa gitna ng delubyo.
Sa oras na ito, narinig niya ang boses, sa katubigan. Natanaw niya sa dagat, ang kahanga-hangang pangitain: isang napakalaking tortoise.
Ang pawikan ay napakalaki tulad ng isang maliit na isla. Sa likod nito, ay matinding liwanag. Natuklasan ni Manjiang na ang liwanag na ito ay libu-libong makintab na isda, at mga pulang coral, at mga pearls, at iba pang maganda at bihirang halaman at hayop na namumuhay sa dagat.
Ang dambuhalang pawikan ay lumangoy patungo kay Manjiang. Lumapit ito sa maliit na bangka, unti-unting, nakita ni Manjiang na sa likod may nakaupong isang tao, ang lolo ni Manjiang, buhay siya, kumakaway sa kanyang apo.
Pagkatapos ng napakasayang muling pagtatagpo, sinabi ng lolo kay Manjiang na sa katotohanan, ang tortoise ay ang “sea monster” sa alamat. Pero, hindi masama ito. Guardian ito ng dagat na may masagana at bihirang hayop at halamang pandagat, at nangangalaga sa kapayapaan dito. Ang dagat na ito ay pinagmumulan ng buong sea creatures, dahil ito, maraming isda ang nayon. Sa alamat, ang dambuhalang pawikan ay sea monster, at ang taguring ito ay naglalayong mapangalagaan ito mula sa kapahamakang dala ng tao.
Pinayuhan ng lolo si Manjiang na gawin itong sikreto. Pero sa oras na ito, may isang boses na kay pangit ang nagsabing “Wala kayong lihim na itatago!”
Laking gulat nila nang lumitaw ang malaking bapor na lulan si Mr Ma.
Alam pala ni Mr. Ma na ang lolo ay mayroong lihim hinggil sa pawikan at ang kayamanan. Nang umalis ang lolo, sa tulong ng mga taga nayon, sakay ng malaking bapor, lihim na nakasunod si Mr Ma sa lolo at kay Manjiang. Kaya, natuklasan niya ang pawikan at bahagi ng dagat na may kayamanan..
Pero, pagdating ng destinasyon, itinapon sa dagat ang mga villagers ni Mr Ma at ang kanyang gang, dahil gusto niyang makuha ang lahat ng treasure.
Nang makita ang mga villagers na agaw buhay sa dagat, nagalit si Manjiang at si Lolo, pati na rin ang dambuhalang pawikan. Mayroong sandata ang gang ni Mr. Ma, pero, mayroong mas malaking power ang pawikan. Kinuha ng malaking pagong ang mga alon at pinataob ang bangka ni Ma.
Iniligtas ni Manjiang at Lolo ang mga villagers mula sa tubig. Napakaraming tao, at walang sapat na upuan ang maliit na bangka ni Manjiang, kaya, ang lahat ng tao ay umupo sa likuran ng pawikan, at ligtas na umuwi sa kanilang nayon. Pagtapak sa lupa ng pinakahuling tao, agarang lumisan ang mahiwagang pawikan, at naglaho ito sa malawak na dagat.
Sinabi ng lolo ang kuwento ng pawikan at ugnayan sa inaakalang halimaw ng karagatan, at ipinangako nila na isisikreto ito sa mga tagalabas, dahil gusto nilang mapangalagaan ang pinagmumulan ng magandang yamang dagat. Pagkaraan ng naturang adventure, tila naging mas malalim ang kaalaman ng mga tao sa dagat, at naging mas mahigpit ang relasyon ng dagat at mga mamamayan. Muling naging mapayapa ang pamumuhay ng maliit na fishing village, at napapanatili ang kalinisan at kagandahan ng dagat, at patuloy at walang humpay na ipinagkakaloob ang masaganang pagkain at ibang benepisyo para sa mga tao.