Paninindigang Tsino sa multilateralismo, inilahad ng Ministrong Panlabas ng Tsina sa Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Asya at Europa

2019-12-17 11:51:39  CRI
Share with:

 

Disyembre 16, 2019, sa Madrid, Espanya – Sa talumpati ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina sa Ika-14 na Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Asya at Europa.

Sinabi niyang ang tema ng pulong na ito na “Mabisang multilateralismo” ay lubos na nagpapakita ng komong mithiin ng mga bansang Asyano at Europeo sa pagkakaisa at kooperasyon.

Tinukoy ni Wang na dapat ituring bilang target ng pagsasakatuparan sa multilateralismo ang pangangalaga sa kapayapaan at pag-unlad; pagsusulong sa pandaigdigang batas at prinsipyo ng pandaigdigang relasyon bilang pundasyon; at pagpapalaganap ng pagkapantay-pantay, kooperasyon at win-win situation bilang layunin. Dapat din aniyang igalang ng isa’t isa ang mga bansa, at itakwil ang ideya ng Cold War.Dapat aktibong pasulungin ang pag-uungay ng mga pandaigdigang mungkahi na tulad ng Belt and Road Initiative (BRI), Eurasian Economic Union at iba pa, diin ni Wang.

Sinabi rin niyang sa susunod na taon, itataguyod ng Tsina ang Ikalawang United Nations Global Sustainable Transport Conference. Sasamantalahin aniya ng Tsina ang pagkakataong ito para magbigay ng bagong ambag para pasulungin ang magkasamang pag-unlad ng rehiyong Asyano at Europeo at buong daigdig.

Salin:Sarah

Please select the login method