Konstruksyon at renobasyon ng mga pagdarausan para sa 2022 Beijing Winter Olympics, maalwan

Share with:

Inilabas kamakailan ang pinakahuling iskedyul ng konstruksyon at renobasyon ng mga pagdarausan para sa 2022 Beijing Olympic at Paralympic Winter Games.

Kabilang sa mga bagong lugar ang National Speed Skating Oval o "Ice Ribbon," at ito'y matatapos sa Hunyo 2020. Samantala, sa katapusan ng taong ito matatapos din ang konstruksyon ng Beijing Winter Olympic Village.

Sa aspekto naman ng renobasyon, matatapos sa darating na Hulyo ang proyekto ng transpormasyon sa "Ice Cube" ng National Aquatics Center o "Water Cube." Maisasa-ayos naman sa darating na Setyembre ang konstruksyon ng bagong bahagi sa loob ng National Indoor Stadium. At makukumpleto naman sa katapusan ng 2021 ang ekspansyon ng China National Convention Center, para matugunan ang pangangailangan sa nabanggit na mga palaro.

Salin: Liu Kai

Please select the login method