Diyalogo ng estratehikong seguridad, idinaos ng Amerika at Rusya

Share with:

Ayon sa Kagawaran ng Estado ng Amerika nitong Huwebes, Enero 16, 2020, idinaos nang araw ring iyon sa Vienna ng Amerika at Rusya ang diyalogo ng estratehikong seguridad kung saan tinalakay ng dalawang panig ang tungkol sa arms control, estratehikong katatagan, at iba pang tema.

Dumalo sa nasabing diyalogo sina Christopher Ford, Asistanteng Kalihim ng Estado ng Amerika na namamahala sa pandaigdigang seguridad at suliranin ng di-pagpapalaganap, at Sergei Ryabkov, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Rusya.

Salin: Li Feng

Please select the login method