Magkasanib na komiteng tagapagpatnubay sa pagitan ng mga pamahalaan ng Tsina at Brunei, nagpulong sa Beijing

Share with:

Ginanap nitong Martes, Enero 21, 2020 sa Beijing ang kauna-unahang pulong ng magkasanib na komiteng tagapagpatnubay sa pagitan ng mga pamahalaan ng Tsina at Brunei. Magkasamang nangulo sa pulong sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Dato Seri Paduka Haji Erywan, Second Minister of Foreign Affairs and Trade ng Brunei.

Saad ni Wang, ang pagtatatag ng nasabing komite ay mahalagang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa. Aniya, sumang-ayon ang kapuwa panig na sa ilalim ng balangkas ng komisyong ito, palalakasin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa 10 larangang kinabibilangan ng kabuhayan, komersyo, isyung pandagat, enerhiya at iba pa, at itatatag ang ilang working group. Ito ay may mahalagang katuturan para sa malalimang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.

Diin ni Wang, patuloy at buong tatag na igigiit ng Tsina ang patakaran sa relasyong pangkapitbansa, pangkaibigan at pangkooperasyon sa mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at nakahandang patuloy na komprehensibong ipatupad, kasama ng mga bansang ASEAN ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea.

Ipinahayag naman ni Erywan ang kahandaan ng panig Bruneian na ipatupad, kasama ng panig Tsino ang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, pabilisin ang pagtatatag ng Belt and Road, at pasulungin ang malaking pag-unlad ng estratehiko't kooperatibong partnership ng dalawang bansa.

Salin: Vera

Please select the login method