Aifei Hospital, unang ospital sa Ethiopia na itinatag sa tulong ng Tsina

Share with:

Ang Aifei Hospital ay nasa Addis Ababa, kabisera ng Ethopia.

Natuklasan noong Marso 13, sa Ethiopia, ang unang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Mabilis ang reaksyon ng Aifei Hospital sa pangkagipitang kalagayang ito. Sa tulong ng China State Construction Engineering Corporation (CSCEC), itinatag ang isolation area sa Aifei Hospital sa loob ng 5 araw lang. Pangkagipitang ipinagkaloob ng embahadang Tsino sa Ethiopia ang 3,000 protective suits at 19 libong N95 masks. Bukod dito, ini-abuloy din ng maraming kumpanyang Tsino ang pondo o materyal sa ospital.

Noong Marso 30, ang Aifei Hospital ay opisyal na naging espesyalistang ospital sa panggagamot sa mga may-sakit ng COVID-19. Sa pamumuno ni Wang Jianhua, puno ng Aifei Hospital, magkakasamang nilabanan ng mga medikal na tauhan na galing sa iba't ibang lugar ng daigdig ang COVID-19.

Salin:Sarah

Please select the login method