Lampas sa 3 milyon, kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Amerika

Share with:

Ayon sa datos ng Johns Hopkins University ng Amerika, hanggang nitong Miyerkules, Hulyo 8, 2020, lampas na sa 3 milyon ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Amerika.

Samantala, umabot na sa 131,594 ang mga pumanaw.

Dahil sa malubhang kalagayan ng pandemiya, pansamantalang itinigil ang pagpapanumbalik ng kabuhayan sa ilang rehiyon ng Amerika, at muling isinasagawa ang mga hakbangin sa pagpigil sa pandemiya.

Salin: Vera

Please select the login method