CMG Komentaryo: Tsina, ipinahayag ang matatag na suporta sa multilateralismo sa taunang pulong ng AIIB

Share with:

Binuksan nitong Martes, Hulyo 28, 2020, ang ika-5 taunang pulong ng Konseho ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB).

Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, nanindigan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat itatag ang AIIB bilang bagong uri ng multilateral development bank na makakapagpasulong sa komong kaunlaran ng buong mundo, isulong bilang bagong uri ng development platform na kasabay na uunlad ng galaw ng panahon, at itayo bilang bagong institusyon ng pandaigdigang kooperasyon, at bagong modelo ng multilateral na kooperasyon.

Sa backgroud ng masalimuot na kalagayan ng kabuhayang pandaigdig dahil sa epekto ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), malakas na senyal ang inilabas ng Tsina na nagpapakita ng matibay na pagkatig sa multilateralismo, bagay na nagpapakita ng lakas-loob at pananagutan ng isang responsableng bansa.

Nitong nakalipas na mahigit 4 na taon, umakyat sa 102 ang bilang ng mga kasapi ng AIIB, mula 57 nang itatag ito.

Ipinagkaloob ng AIIB sa mga kasapi ang halos 20 bilyong dolyares na pamumuhunan sa imprastruktura.

Samantala, makaraang sumiklab ang pandemiya ng COVID-19, mabilis nitong itinayo ang pondo, para magkaloob ng suporta sa mga kasapi.

Noong simula, 10 bilyong dolyares lamang ang kabuuang halaga nito, pero ngayon ay tumaas na ito sa 13 bilyong dolyares.

Tulad ng sabi ni Pangulong Xi sa kanyang talumpati, ang pagsuporta sa isa't isa, pagkakaisa at pagtutulungan ay siyang tanging tumpak na landas upang malampasan ang krisis.

Bilang mahalagang share holder at bansang tagapagtangkilik ng AIIB, patuloy na magpupunyagi ang Tsina, kasama ng iba't ibang kasapi, para itatag ang AIIB bilang bagong plataporma ng pagpapasulong sa komong kaunlaran ng mga kasapi, at pagtatatag ng community with a shared future for mankind.

Salin: Vera

Please select the login method