Pangulong Tsino, ipinaabot ang pagbati sa muling pagkakahalal ni Alexander Grigorievich Lukashenko bilang pangulo ng Belarus

Share with:

Sa pamamagitan ng tawag sa telepono, Agosto 10, 2020, ipinaabot ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagbati kay Alexander Grigorievich Lukashenko, sa kanyang muling panunungkulan bilang Pangulo ng Belarus.

Tinukoy ni Xi na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pag-unlad ng relasyon sa Belarus.

Nakahanda aniya ang Tsina na magsisikap, kasama ni Pangulong Lukashenko, para magkasamang pasulungin ang komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Belarus, at palawakin ang bagong kalagayan ng kooperasyon ng dalawang panig sa iba't ibang larangan, nang sa gayon ay makalikha ng benepisyo para sa mga mamamayan ng dalawang bansa.

Salin:Sarah

Please select the login method