Yang Jiechi, bibiyahe sa Singapore at Timog Korea

Share with:

Ipinatalastas nitong Miyerkules, Agosto 19, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa paanyaya ng pamahalaan ng Singapore, dadalaw sa bansang ito si Yang Jiechi, Direktor ng Tanggapan ng Foreign Affairs Commission ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), mula ika-19 hanggang ika-20 ng buwang ito.

Samantala, sa paanyaya ni Suh Hoon, Direktor ng Tanggapan ng Pambansang Seguridad ng Timog Korea, mula ika-21 hanggang ika-22 ng Agosto, magsasadya sa Busan si Yang para sa konsultasyon.

Salin: Vera

Please select the login method