Pulong ng JCPOA, idinaraos sa Vienna; Tsina umaasang lalo pang mapapangalagaan ang JCPOA

Share with:

Idinaraos mula Agosto 31, 2020 hanggang Setyembre 1, sa Vienna, ang pulong ng Joint Commission of the Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA).

Umaasa ang Tsina na lalo pang mapapangalagaan ang JCPOA sa pamamagitan ng pagkakataong ito, ipinahayag ito kahapon Agosto, 31, 2020, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.

Pag-aaralan sa pulong ng iba't ibang may kinalamang panig ang kasalukuyang kalagayan ng isyung nuklear ng Iran, susuriin ang progreso ng pagsasakatuparan ng JCPOA, at tatalakayin ang mga isasagawang hakbangin sa susunod na yugto, ayon kay Zhao.

Salin:Sarah

Please select the login method