14℃
Beijing

"Ulat ng Amerika sa Pag-unlad-militar at Seguridad ng Tsina," mariing tinututulan ng Tsina

Share with:

Kaugnay ng "Ulat sa Pag-unlad-militar at Seguridad ng Tsina sa Taong 2020" na ipinalabas ng Kagawaran ng Tanggulang Bansa ng Amerika, sinabi Linggo, Setyembre 13, 2020 ni Tagapagsalita Wu Qian ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na ito ang isa pang testimonya ng paninira ng panig Amerikano sa Tsina at hukbong Tsino.

Aniya, nitong nagdaang 20 taong singkad, inilabas ng panig Amerikano ang mga katulad na ulat na nagpapakita ng hegemonya at probokasyon.

Ito ay grabeng nakakapinsala sa relasyon ng dalawang bansa at kanilang mga hukbo, aniya.

Dagdag ni Wu, mahigpit na tinututulan ng panig Tsino ang ulat na ito, nagharrap na ng solemnang representasyon ang Tsina sa panig Amerikano.

Salin: Lito

Koment( Komento)

Please select the login method