Bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Myanmar, lumampas sa 10 libo

2020-09-28 10:52:13  CRI
Share with:

Ayon sa datos na isinapubliko nitong Linggo, Setymebre 27, 2020 ng Ministri ng Kalusugan at Palakasan ng Myanmar, umabot na sa 10,734 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansang ito, at namatay ang 226 iba pa.
 
Upang mapigilan ang paglala ng kalagayan ng pendemiya,ipinatupad na ng Myanmar ang travel ban sa buong bansa, at pinahaba hanggang sa katapusan ng Oktubre ang pagsasara sa mga pandaigdigang linyang panghimpapawid.

Salin: Lito

Please select the login method