Tsina, tumututol sa konstruksyon ng imprastrukturang may kaugnayan sa militar sa hidwang purok na panghanggahan ng Tsina at India

2020-09-30 14:45:25  CMG
Share with:

Ipinahayag sa Beijing nitong Martes, Setyembre 29, 2020 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hindi kinikilala ng panig Tsino ang umano’y “Ladakh Union Territory” na ilegal na itinatag ng India.
 

Ani Wang, mariing tinututulan ng panig Tsino ang konstruksyon ng imprastrukturang may kaugnayan sa layong militar sa hidwaang purok na panghanggahan ng Tsina at India.
 

Ipinagdiinan din ni Wang na ayon sa narating na komong palagay ng dalawang bansa, hindi dapat isagawa ng anumang panig ang aksyong posibleng humantong sa masalimuot na kalagayan sa purok na panghanggahan nila.


Salin: Lito

Please select the login method